ALAMAT NG ISLA NG PITONG MAKASALANAN
(BANGHAY ARALIN)
|
LAYUNIN
|
PAKSA
|
PAMAMARAAN
|
PAGTATAYA
|
|
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay
inaasahang;
a. nakakikilala sa mga tauhan at mga katangian
nito sa alamat
b. naibabahagi ang sariling pananaw tungkol sa
kwento
c. naisasadula ang buod ng alamat
|
a. Paksa: “Ang alamat ng isla
ng
pitong makasalanan"
b. Sanggunian: Pluma book 7
pp. 168-171
c. Kagamitan: Kagamitang
panturo
d. Pagpapahalaga:
|
I. INTRODUKSYON
a.
Paunang Gawain
· Panalangin
· Pagasusuri
ng liban at hindi liban
b. Balik
aral
Magtatanong ang guro kung ano ang natutunan ng mga mag-aaral sa naging
pakasa kahapon.
c.
Pagganyak
Magpapakita ang guro ng mga larawan at pagkatapos ay tatanungin niya
ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga gabay na tanong.
Mga
gabay na tanong:
· Ano-ano
ang napapansin ninyo sa mga larawan na nakadikit sa pisara?
· Nasubukan
mo na bang sumuway sa iyong mga magulang?
· Paano
mo sila sinuway?
· Ano
ang nagging bunga ng iyong pagsuway?
· Ano
kaya ang tawag sa isang taong suwail?
d.
Sasabihin na ng guro ang magiging paksa nila sa araw na ito at ipapakita niya
ang magiging layunin nila sa pagtatapos ng talakayan.Pagkatapos ay magbibigay
siya ng tig-iisang kopya ng alamat sa mga mag-aaral at ipapabasa niya ito ng
masinsinan sa loob ng limang minuto.
e.
Pag-alis ng mga sagabal
· Estranghero
– dayuhan
· Lulan
- Tumapak, akyatin o pumasok sa isang barko, salipapaw, tren, o ibang uri ng
sasakyan.
· Sumagwan
– magpaandar ng Bangka na may sagwan
II. INTERAKSYON
Pagkatapos ng limang minutong pagbabasa ay tatanungin ng guro ang mga
mag-aaral sa pamamagitan ng mga gabay na katanungan.
Mga
gabay na tanong:
· Sinu-sinu
ang mga tauhan sa alamat?
· Anong
katangian mayroon ang mga dalagang labis na hinahangaan ng bawat tao?
· Ano
ang ikinatatakot ng ama dahil sa mga katangian ng mga dalaga?
· Bakit
hindi pumayag ang ama nang magpaalam ang kanyang mga anak na sasama sa mga
binatang bago palang nila nakilala?
· Ano
kaya ang ginawa ng mga dalaga na nagdulot ng sakit sa kalooban ng kanilang
ama?
III. INTEGRASYON
Mga
gabay na tanong:
·
Kung ikaw ay isa sa mga dalaga
sasama ka din ba sa mga lalaking bago mo palang nakilala? ipaliwanag
·
Sa tingin mo makatwiran kaya
ang hindi pagpayag ng ama sa kagustuhan ng kanyang anak? Bakit?
·
Bakit kaya kailangan nating
igalang at sundin ang payo ng ating mga magulang?
IV. TAKDANG ARALIN\
Panuto: Magsaliksik tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng alamat at
isulat ito sa isang buong papel.
|
Hahatiin ng guro ang klase sa apatna grupo
Panuto: Gumawa ng isang dula mula sa alamat ng
isla ng pitong makasalanan at
irepresenta ito sa harap ng klase.
|
|
PAMANTAYAN
|
10-8
|
7-5
|
4-0
|
|
BOSES
|
May sapat na lakas ng boses
kaya’t lubusang nauunawaan ang
sinasabi mula sa simula hanggang wakas.
|
Malakas-
lakas ang boses kaya’t
kaunti lamang ang nauunawaan ng mga tagapakinig
|
Hindi malakas ang boses kaya’t
hindi lubusang nauunawaan ang sinasabi mula sa
simula hanggang wakas.
|
|
TINDIG
|
Angkop na angkop ang mga kilos o galaw sa pagtatanghal.
|
May ilang mga kilos o galaw na di gaanong angkop
sa pagtatanghal.
|
Kailangan pa ng pagsasanay sa mga kilos o galaw sa
pagtatanghal.
|
|
BIGKAS O PAGSASALITA
|
Lubhang napakalinaw ng pagkakabigkas ng mga salita
at napalutang ang mgadamdaming namamayani sa bawat bahagi ng pagtatanghal.
|
May kaunting kalinawan ng pagkakabigkas ng mga
salita at napalutang ang mga damdaming namamayani sa bawat bahagi ng
pagtatanghal.
|
Hindi malinaw ang pagbigkas ng
mga salita kaya’t hindi
napalutang ang damdamin ng linya.
|
|
KALIGIRAN NG DULA
|
Naipapakita ang kaligiran ng dula.
|
Hindi gaanong naipapakita ang kaligiran ng dula.
|
Maraming kulang na bahagi kaya’t hindi gaano
maganda ang dula.
|
|
KABISAAN
|
May mataas na panghihikayat sa madla dahil sa
maayos at malinaw na pagtatanghal.
|
May katamtamang reaksyon ng madla.
|
Di gaanong nahikayat ang mga manonood.
|
No comments:
Post a Comment