Banghay Aralin sa Grade 7
“Impeng Negro”
LAYUNIN
|
PAKSA
|
PAMAMARAAN
|
PAGTATAYA
|
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
a. nakilala at nailalarawan ang mga tauhan sa
kwento
b. naiuugnay ang ilang pangyayari sa kwento sa
tunay na buhay
c.nakapagsasadula sa mga eksenang nangyari
sakwento na nagbibigay ng aral sa kanila.
|
a. Paksa :
“IMPENG NEGRO” ni Rogelio sicat
b.Sanggunian:
Pluma 7
c.Kagamitan:
Mga larawan
|
I. INTRODUKSYON
a.
Paunang Gawain
· Panalangin
· Pagasusuri
ng liban at hindi liban
b.
Balikaral
Magtatanong ang guro kung ano ang natutunan ng mga
mag-aaral sa naging paksa kahapon.
c.
Pangganyak
Ang
guro ng magpapakita ng dalawang larawan sa mga mag aaral at at ipapakita niya
ito sa pisara.Pagkatapos ay tatanungin niya ang mga mag aaralsa pamamagitan
ng mga gabay sa tanong.
Mga gabay na tanong:
· Ano
ang napapansin niyo sa larawan?
· Ano
ang un among masasabi kapag makakita ka ng ganitong klaseng tao?
· Ano
kaya ang kaugnayan ng mga larawan na ito sa ating susunod na talakayan?
d. Pag-alis
ng sagabal
Sasabihin
nan g guro ang magiging paksa nila sa araw na ito. Bago simulant ang
pagbabasa,aalisin muna ang mga sagabal na salita sa kwento sa pamamagitan ng
maikling pagsusulit,
Panuto:
Punan ng mga nawawalang titik ang mga patlang.
1. Naggigimalmal -
N_n_i_i_a_i_
2. Pangngingimi -
N_a_l_n_a_
3. Isinipat - S_n_l_p
4. Isinawak - I_i_u_l_p
5. Nag-uumigting - N_g_i_i_a_
e. Pagtatalakay
Hahatiin
ng guro ang mga mag-aaral sa apat na pagkat. Ang bawat pangkat ay pipili ng
isang lider nasiyang babasa ng mahinahon sa sipi ng maikling kwento.
II. INTERAKSYON
Pagkatapos
basahin ang kwento an guro ay
magtatanong sa mga mag-aaral sa pamamagitan
ng mga gabay na tanong.Ang bawat tanong ay mayroong tigdadalawang
puntos. Ang bawat miyembro ng grupo ay pwedeng sumagot sa mga tanong
Mga
gabay at tanong.
· Sino-sino
ang mga tauhan sa kwento?
· Paano
mo mailalarawan si Impeng?
· Anong
katangian mayroon si ogor?
·
Anong kalseng ina mayroon si
impeng?
· Iilan
lahat ang kapatid ni impeng?
III. INTEGRASYON
Mga
gabay na tanong
· Sa
tingin mo mabuti ba ang manghusga ng isang tao?Ipaliwanag
· Kung
ikaw ang nasa sitwasyon ni Impeng, makakayanan mob a ang panghuhusga ng iba?
Bakit?
· Kung
ikaw si Ogor huhusgahan mo din bas i Impeng?
IV. TAKDANG ARALIN
Panuto:
Magsaliksik ng isang tula at isulat ito sa isang buong papel,
|
Magkakaroon ng isang pagsasadula tungkol sa eksenang nangyari sa
kwento na nagbigay aral sa kanila at tumatak sa kanilang isipan.Bibigyan
lamang sila ng 5 minutong pag-iisip at tatlong minutong pagtatanghal
pagkatapos ay ipapaliwanag nila ang nawagawang eksena.
Krayteria:
Kaayusan ng dula -20
Kangkupan ng dula -15
Kooperasyonng bawat miyembro-10
Pagkamalikhain -5
Kabuuan: 50 Puntos
|
No comments:
Post a Comment