Tuesday, October 8, 2019

SARANGGOLA ni EFREN ABUEG (Banghay Aralin)


                                                              SARANGGOLA
                                                         (BANGHAYARALIN)                                                                                                                                                           
LAYUNIN
PAKSANG ARALIN
PAMAMARAAN
PAGTATAYA
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a.nakikilala ang mga tauhan sa kwento at nakapaglalarawan sa mga pangyayari ng kwentong saranggola

b. naiuugnay ang ilang pangyayari sa kwento sa tunay na buhay

c. nakagagawa ng isang pagtatalo na may kinalaman sa pagsunod sa magulang
a. Paksa: “Saranggola"

b. Sanggunian: Pinagyamang
                         Pluma 8
                         pp. 294-300
c. Kagamitan: Kagamitang
                       panturo
d. Pagpapahalaga: Pagmamahal     sa magulang
I. INTRODUKSYON
   a. Paunang Gawain
·       Panalangin
·       Pagasusuri ng liban at hindi liban
   b. Balik aral
            Ang guro ay magtatanong kung ano ang naging paksa nila sa nakalipas na araw at kung ano ang mga natutunan ng mga mag-aaral sa paksa.
   c. Pagganyak
         Ang guro ay magpapalaro sa mga mag-aaral. Ang laro ay pinamagatang “4 pics in 1 word” sa ingles. Magpapakita ang guro ng apat na larawan at sa ibaba ng mga larawan ay mayroong mga patlang at mga letra. Huhulaan ng mga mag-aaral kung anong salita ang mabubuo nila sa apat na larawan. Pagkatapos mahulaan ng mga mag-aaral ang salita ay tatanungin niya ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga gabay na tanong.
        Mga gabay na tanong:
·       Nakalaro ba kayo ng saranggola noong kabataan mo?
·       Naging masaya kaba sa pagpapalipad ng saranggola?
·       Sa tingin niyo ano kaya ang kinalaman ng mga larawang ito sa magiging paksa natin ngayon?
   d. Sasabihin na ng guro ang magiging paksa nila sa araw na ito at babasahin niya ang magiging layunin nila sa pagtatapos ng talakayan. Bago nila simulan ang pagbabasa sa kwento, aalisin muna nila ang mga sagabal na salita sa kwento . Tatawag muna ang guro ng iilang mag-aaral upang isayaos sa tamang baybay ang mga bali-baliktad na na baybay.
        Pag-alis ng mga sagabal:
·       Guryon - ay isang uri ng malaking burador o saranggola.
·       Kinantiyawan - pinagtawanan

         Magbibigay ang guro ng sipi ng kwento sa mga magaaral  at magbibigay ng “oral participation” na mayroong limang puntos. Ang guro ay magpapakita ng isang baso sa mga maga-aaral at ang laman ng baso ay mga nakarolyong papel kung saan nakasulat dito ang mga pangalan ng mga mag-aaral. Kung sino man ang mabubunot ng guro ang siyang babasa sa kwento at pag sinabi ng guro na hinto ay dapat huminto ang mag-aaral. Pagkatapos ay bubunot nanaman ang guro ng rolyong papel at kung sino man ang mabubunot ang siyang magpapatuloy sa pagbabasa ng kwento. At kapag ang mag-aaral ay hindi makasunod sa binasa, hindi siya mabibigyan ng puntos.

II. INTERAKSYON
   Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga gabay na tanong.Kung sino man ang makasagot sa tanong ay magkakaroon ng sampung puntos na ilalagay nila sa kanilang “index card”.
Mga gabay na tanong:
·       Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
·       Ilang taon ang batang lalaki na tinutukoy sa kwento?
·       Ano ang unang hinling ng bata sa kanyang ama?
·       Ilarawan sa isang pangungusap kung anong klaseng anak ang tauhan sa kwento?
·       Ilarawan sa isang pangungusap kung anong klaseng ama ang tauhan sa kwento?

III. INTEGRASYON
           Ang guro ay magpapalaro sa mga mag-aaral. Ang laro ay tinatawag sa     ingles na “pass the ball”. Ang guro ay magpapatugtog ng kanta at habang nagpapatugtog ng kanta ang guro ay ipapasa-pasa ang bola ng mga mag-aaral. Pagkatapos ay papatayin ng guro ang kanta at kung saan man hihinto ang bola ang siyang sasagot sa tanong.

Mga  gabay na tanong:
·       Sa iyong palagay makatarungan ba ng pagdidisiplina sa kanya ng kanyang ama?
·       Bilang isang anak, paano mo tinanggap ang pamamaraan ng pagdidisiplina sayo ng iyong magulang?
·       Ano ang aral na natutunan mo sa kwento?

IV. KASUNDUAN
       Sa susunod na tagpo magdala ng  putting  kartolina at mga pangkulay na materyales.
Hahatiin ng guro ang klase sa dalawang pangkat. Ang dalawang pangkat ay magkakaroon ng pagtatalo ukol sa paksang “dapat ba o hindi dapat na palaging sundin ang magulang”










Pamantayan
1
2
3
MARKA
Paksa/Kaisipan
Walang mainam na kaisipang ipinahayag tungkol sa paksa.
May naipahayag na 2 hanggang 3 kaisipan ang nabanggit tungkol sa paksa.
Lubhang malinaw at maayos ang kaisipang naipahayag. May 4 o higit pang kaisipan ang nabanggit tungkol sa paksa.

Pangangatwiran
Walang sapat na katibayan ng pangangatwiran
Walang gaanong iniharap na pangangatwiran.
May sapat na katibayang iniharap sa pangangatwiran

Pagpapahayag/
Pagsasalita
Mahina at hindi maunawaan ang sinasabi.
Mahina ang pagkakapahayag ngunit may pang-akit sa nakikinig ang boses o pagsasalita.
Maayos na maayos ang pagkakapahayag na may pang-akit sa nakikinig ang boses o pagsasalita.

Pagtuligsa
Walang naipahayag tungkol sa sinabi ng kabilang panig.
May isa o dalawang malinaw na pahayag tungkol sa ipinahayag ng kabilang panig.
May 3 o sapat at malinaw na pahayag tungkol sa ipinahayag ng kabilang panig.

Tiwala sa Sarili
Hindi maayos ang pagsasalita dahil sa kaba kaya’t nabubulol.
May mahinang pagpapahayag dahil naipabatid nang kaunti ang layunin ng panig.
Lubusang naipahayag nang malinaw at naipabatid ang katanggap-tanggap na layunin ng panig.




Kabuuang Puntos



No comments:

Post a Comment