Sunday, January 26, 2020

IMPENG NEGRO (BANGHAY ARALIN)


Banghay Aralin sa Grade 7
“Impeng Negro”
LAYUNIN
PAKSA
PAMAMARAAN
PAGTATAYA
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nakilala at nailalarawan ang mga tauhan sa kwento

b. naiuugnay ang ilang pangyayari sa kwento sa tunay na buhay

c.nakapagsasadula sa mga eksenang nangyari sakwento na nagbibigay ng aral sa kanila.



a. Paksa   : “IMPENG NEGRO” ni Rogelio sicat

b.Sanggunian:
Pluma 7

c.Kagamitan:
Mga larawan
I. INTRODUKSYON
   a. Paunang Gawain
·       Panalangin
·       Pagasusuri ng liban at hindi liban
   b. Balikaral
Magtatanong ang guro kung ano ang natutunan ng mga mag-aaral sa naging paksa kahapon.
   c. Pangganyak
     Ang guro ng magpapakita ng dalawang larawan sa mga mag aaral at at ipapakita niya ito sa pisara.Pagkatapos ay tatanungin niya ang mga mag aaralsa pamamagitan ng mga gabay sa tanong.
Mga gabay na tanong:
·       Ano ang napapansin niyo sa larawan?
·       Ano ang un among masasabi kapag makakita ka ng ganitong klaseng tao?
·       Ano kaya ang kaugnayan ng mga larawan na ito sa ating susunod na talakayan?
   d. Pag-alis ng sagabal
    Sasabihin nan g guro ang magiging paksa nila sa araw na ito. Bago simulant ang pagbabasa,aalisin muna ang mga sagabal na salita sa kwento sa pamamagitan ng maikling pagsusulit,
    Panuto: Punan ng mga nawawalang titik ang mga patlang.
        1. Naggigimalmal   -   N_n_i_i_a_i_
        2. Pangngingimi      -  N_a_l_n_a_
        3. Isinipat                 -  S_n_l_p
        4. Isinawak               - I_i_u_l_p
        5. Nag-uumigting     - N_g_i_i_a_
e. Pagtatalakay
    Hahatiin ng guro ang mga mag-aaral sa apat na pagkat. Ang bawat pangkat ay pipili ng isang lider nasiyang babasa ng mahinahon sa sipi ng maikling kwento.
II. INTERAKSYON
    Pagkatapos basahin ang kwento an guro  ay magtatanong sa mga mag-aaral sa pamamagitan  ng mga gabay na tanong.Ang bawat tanong ay mayroong tigdadalawang puntos. Ang bawat miyembro ng grupo ay pwedeng sumagot sa mga tanong
    Mga gabay at tanong.
·       Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
·       Paano mo mailalarawan si Impeng?
·       Anong katangian mayroon si ogor?
·       Anong kalseng ina mayroon si impeng?      
·       Iilan lahat ang kapatid ni impeng?
III. INTEGRASYON
      Mga gabay na tanong
·       Sa tingin mo mabuti ba ang manghusga ng isang tao?Ipaliwanag
·       Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Impeng, makakayanan mob a ang panghuhusga ng iba? Bakit?
·       Kung ikaw si Ogor huhusgahan mo din bas i Impeng?
IV. TAKDANG ARALIN
     Panuto: Magsaliksik ng isang tula at isulat ito sa isang buong papel,

     Magkakaroon ng isang pagsasadula tungkol sa eksenang nangyari sa kwento na nagbigay aral sa kanila at tumatak sa kanilang isipan.Bibigyan lamang sila ng 5 minutong pag-iisip at tatlong minutong pagtatanghal pagkatapos ay ipapaliwanag nila ang nawagawang eksena.

 
Krayteria:
Kaayusan ng dula -20
Kangkupan ng dula -15
Kooperasyonng bawat miyembro-10
Pagkamalikhain -5

Kabuuan: 50 Puntos


Tuesday, October 8, 2019

ALAMAT NG ISLA NG PITONG MAKASALANAN (BANGHAY ARALIN)


ALAMAT NG ISLA NG PITONG MAKASALANAN
(BANGHAY ARALIN)

LAYUNIN
PAKSA
PAMAMARAAN
PAGTATAYA
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a. nakakikilala sa mga tauhan at mga katangian nito sa alamat
b. naibabahagi ang sariling pananaw tungkol sa kwento
c. naisasadula ang buod ng alamat
a. Paksa: “Ang alamat ng isla
            ng pitong makasalanan"
b. Sanggunian: Pluma book 7
                         pp. 168-171
c. Kagamitan: Kagamitang
                       panturo
d. Pagpapahalaga:
I. INTRODUKSYON
   a. Paunang Gawain
·       Panalangin
·       Pagasusuri ng liban at hindi liban
   b. Balik aral
            Magtatanong ang guro kung ano ang natutunan ng mga mag-aaral sa naging pakasa kahapon.
   c. Pagganyak
            Magpapakita ang guro ng mga larawan at pagkatapos ay tatanungin niya ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga gabay na tanong.
       Mga gabay na tanong:
·       Ano-ano ang napapansin ninyo sa mga larawan na nakadikit sa pisara?
·       Nasubukan mo na bang sumuway sa iyong mga magulang?
·       Paano mo sila sinuway?
·       Ano ang nagging bunga ng iyong pagsuway?
·       Ano kaya ang tawag sa isang taong suwail?
   d. Sasabihin na ng guro ang magiging paksa nila sa araw na ito at ipapakita niya ang magiging layunin nila sa pagtatapos ng talakayan.Pagkatapos ay magbibigay siya ng tig-iisang kopya ng alamat sa mga mag-aaral at ipapabasa niya ito ng masinsinan sa loob ng limang minuto.
   e. Pag-alis ng mga sagabal
·       Estranghero – dayuhan
·       Lulan - Tumapak, akyatin o pumasok sa isang barko, salipapaw, tren, o ibang uri ng sasakyan.
·       Sumagwan – magpaandar ng Bangka na may sagwan

II. INTERAKSYON
       Pagkatapos ng limang minutong pagbabasa ay tatanungin ng guro ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga gabay na katanungan.
       Mga gabay na tanong:
·       Sinu-sinu ang mga tauhan sa alamat?
·       Anong katangian mayroon ang mga dalagang labis na hinahangaan ng bawat tao?
·       Ano ang ikinatatakot ng ama dahil sa mga katangian ng mga dalaga?
·       Bakit hindi pumayag ang ama nang magpaalam ang kanyang mga anak na sasama sa mga binatang bago palang nila nakilala?
·       Ano kaya ang ginawa ng mga dalaga na nagdulot ng sakit sa kalooban ng kanilang ama?

III. INTEGRASYON
       Mga gabay na tanong:
·       Kung ikaw ay isa sa mga dalaga sasama ka din ba sa mga lalaking bago mo palang nakilala? ipaliwanag
·       Sa tingin mo makatwiran kaya ang hindi pagpayag ng ama sa kagustuhan ng kanyang anak? Bakit?
·       Bakit kaya kailangan nating igalang at sundin ang payo ng ating mga magulang?


IV. TAKDANG ARALIN\
       Panuto: Magsaliksik tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng alamat at isulat ito sa isang buong papel.

Hahatiin ng guro ang klase sa apatna grupo

Panuto: Gumawa ng isang dula mula sa alamat ng isla ng pitong makasalanan at  irepresenta ito sa harap ng klase.
PAMANTAYAN
10-8
7-5
4-0

BOSES
May sapat na lakas ng boses
kaya’t lubusang nauunawaan ang
sinasabi mula sa simula hanggang wakas.
Malakas-
lakas ang boses kaya’t
kaunti lamang ang nauunawaan ng mga tagapakinig
Hindi malakas ang boses kaya’t
hindi lubusang nauunawaan ang sinasabi mula sa simula hanggang wakas.
TINDIG
Angkop na angkop ang mga kilos o galaw sa pagtatanghal.
May ilang mga kilos o galaw na di gaanong angkop sa pagtatanghal.
Kailangan pa ng pagsasanay sa mga kilos o galaw sa pagtatanghal.
BIGKAS O PAGSASALITA
Lubhang napakalinaw ng pagkakabigkas ng mga salita at napalutang ang mgadamdaming namamayani sa bawat bahagi ng pagtatanghal.
May kaunting kalinawan ng pagkakabigkas ng mga salita at napalutang ang mga damdaming namamayani sa bawat bahagi ng pagtatanghal.
Hindi malinaw ang pagbigkas ng
mga salita kaya’t hindi
napalutang ang damdamin ng linya.
KALIGIRAN NG DULA
Naipapakita ang kaligiran ng dula.
Hindi gaanong naipapakita ang kaligiran ng dula.
Maraming kulang na bahagi kaya’t hindi gaano maganda ang dula.
KABISAAN
May mataas na panghihikayat sa madla dahil sa maayos at malinaw na pagtatanghal.
May katamtamang reaksyon ng madla.
Di gaanong nahikayat ang mga manonood.


SARANGGOLA ni EFREN ABUEG (Banghay Aralin)


                                                              SARANGGOLA
                                                         (BANGHAYARALIN)                                                                                                                                                           
LAYUNIN
PAKSANG ARALIN
PAMAMARAAN
PAGTATAYA
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a.nakikilala ang mga tauhan sa kwento at nakapaglalarawan sa mga pangyayari ng kwentong saranggola

b. naiuugnay ang ilang pangyayari sa kwento sa tunay na buhay

c. nakagagawa ng isang pagtatalo na may kinalaman sa pagsunod sa magulang
a. Paksa: “Saranggola"

b. Sanggunian: Pinagyamang
                         Pluma 8
                         pp. 294-300
c. Kagamitan: Kagamitang
                       panturo
d. Pagpapahalaga: Pagmamahal     sa magulang
I. INTRODUKSYON
   a. Paunang Gawain
·       Panalangin
·       Pagasusuri ng liban at hindi liban
   b. Balik aral
            Ang guro ay magtatanong kung ano ang naging paksa nila sa nakalipas na araw at kung ano ang mga natutunan ng mga mag-aaral sa paksa.
   c. Pagganyak
         Ang guro ay magpapalaro sa mga mag-aaral. Ang laro ay pinamagatang “4 pics in 1 word” sa ingles. Magpapakita ang guro ng apat na larawan at sa ibaba ng mga larawan ay mayroong mga patlang at mga letra. Huhulaan ng mga mag-aaral kung anong salita ang mabubuo nila sa apat na larawan. Pagkatapos mahulaan ng mga mag-aaral ang salita ay tatanungin niya ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga gabay na tanong.
        Mga gabay na tanong:
·       Nakalaro ba kayo ng saranggola noong kabataan mo?
·       Naging masaya kaba sa pagpapalipad ng saranggola?
·       Sa tingin niyo ano kaya ang kinalaman ng mga larawang ito sa magiging paksa natin ngayon?
   d. Sasabihin na ng guro ang magiging paksa nila sa araw na ito at babasahin niya ang magiging layunin nila sa pagtatapos ng talakayan. Bago nila simulan ang pagbabasa sa kwento, aalisin muna nila ang mga sagabal na salita sa kwento . Tatawag muna ang guro ng iilang mag-aaral upang isayaos sa tamang baybay ang mga bali-baliktad na na baybay.
        Pag-alis ng mga sagabal:
·       Guryon - ay isang uri ng malaking burador o saranggola.
·       Kinantiyawan - pinagtawanan

         Magbibigay ang guro ng sipi ng kwento sa mga magaaral  at magbibigay ng “oral participation” na mayroong limang puntos. Ang guro ay magpapakita ng isang baso sa mga maga-aaral at ang laman ng baso ay mga nakarolyong papel kung saan nakasulat dito ang mga pangalan ng mga mag-aaral. Kung sino man ang mabubunot ng guro ang siyang babasa sa kwento at pag sinabi ng guro na hinto ay dapat huminto ang mag-aaral. Pagkatapos ay bubunot nanaman ang guro ng rolyong papel at kung sino man ang mabubunot ang siyang magpapatuloy sa pagbabasa ng kwento. At kapag ang mag-aaral ay hindi makasunod sa binasa, hindi siya mabibigyan ng puntos.

II. INTERAKSYON
   Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga gabay na tanong.Kung sino man ang makasagot sa tanong ay magkakaroon ng sampung puntos na ilalagay nila sa kanilang “index card”.
Mga gabay na tanong:
·       Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
·       Ilang taon ang batang lalaki na tinutukoy sa kwento?
·       Ano ang unang hinling ng bata sa kanyang ama?
·       Ilarawan sa isang pangungusap kung anong klaseng anak ang tauhan sa kwento?
·       Ilarawan sa isang pangungusap kung anong klaseng ama ang tauhan sa kwento?

III. INTEGRASYON
           Ang guro ay magpapalaro sa mga mag-aaral. Ang laro ay tinatawag sa     ingles na “pass the ball”. Ang guro ay magpapatugtog ng kanta at habang nagpapatugtog ng kanta ang guro ay ipapasa-pasa ang bola ng mga mag-aaral. Pagkatapos ay papatayin ng guro ang kanta at kung saan man hihinto ang bola ang siyang sasagot sa tanong.

Mga  gabay na tanong:
·       Sa iyong palagay makatarungan ba ng pagdidisiplina sa kanya ng kanyang ama?
·       Bilang isang anak, paano mo tinanggap ang pamamaraan ng pagdidisiplina sayo ng iyong magulang?
·       Ano ang aral na natutunan mo sa kwento?

IV. KASUNDUAN
       Sa susunod na tagpo magdala ng  putting  kartolina at mga pangkulay na materyales.
Hahatiin ng guro ang klase sa dalawang pangkat. Ang dalawang pangkat ay magkakaroon ng pagtatalo ukol sa paksang “dapat ba o hindi dapat na palaging sundin ang magulang”










Pamantayan
1
2
3
MARKA
Paksa/Kaisipan
Walang mainam na kaisipang ipinahayag tungkol sa paksa.
May naipahayag na 2 hanggang 3 kaisipan ang nabanggit tungkol sa paksa.
Lubhang malinaw at maayos ang kaisipang naipahayag. May 4 o higit pang kaisipan ang nabanggit tungkol sa paksa.

Pangangatwiran
Walang sapat na katibayan ng pangangatwiran
Walang gaanong iniharap na pangangatwiran.
May sapat na katibayang iniharap sa pangangatwiran

Pagpapahayag/
Pagsasalita
Mahina at hindi maunawaan ang sinasabi.
Mahina ang pagkakapahayag ngunit may pang-akit sa nakikinig ang boses o pagsasalita.
Maayos na maayos ang pagkakapahayag na may pang-akit sa nakikinig ang boses o pagsasalita.

Pagtuligsa
Walang naipahayag tungkol sa sinabi ng kabilang panig.
May isa o dalawang malinaw na pahayag tungkol sa ipinahayag ng kabilang panig.
May 3 o sapat at malinaw na pahayag tungkol sa ipinahayag ng kabilang panig.

Tiwala sa Sarili
Hindi maayos ang pagsasalita dahil sa kaba kaya’t nabubulol.
May mahinang pagpapahayag dahil naipabatid nang kaunti ang layunin ng panig.
Lubusang naipahayag nang malinaw at naipabatid ang katanggap-tanggap na layunin ng panig.




Kabuuang Puntos