Sunday, January 26, 2020

IMPENG NEGRO (BANGHAY ARALIN)


Banghay Aralin sa Grade 7
“Impeng Negro”
LAYUNIN
PAKSA
PAMAMARAAN
PAGTATAYA
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nakilala at nailalarawan ang mga tauhan sa kwento

b. naiuugnay ang ilang pangyayari sa kwento sa tunay na buhay

c.nakapagsasadula sa mga eksenang nangyari sakwento na nagbibigay ng aral sa kanila.



a. Paksa   : “IMPENG NEGRO” ni Rogelio sicat

b.Sanggunian:
Pluma 7

c.Kagamitan:
Mga larawan
I. INTRODUKSYON
   a. Paunang Gawain
·       Panalangin
·       Pagasusuri ng liban at hindi liban
   b. Balikaral
Magtatanong ang guro kung ano ang natutunan ng mga mag-aaral sa naging paksa kahapon.
   c. Pangganyak
     Ang guro ng magpapakita ng dalawang larawan sa mga mag aaral at at ipapakita niya ito sa pisara.Pagkatapos ay tatanungin niya ang mga mag aaralsa pamamagitan ng mga gabay sa tanong.
Mga gabay na tanong:
·       Ano ang napapansin niyo sa larawan?
·       Ano ang un among masasabi kapag makakita ka ng ganitong klaseng tao?
·       Ano kaya ang kaugnayan ng mga larawan na ito sa ating susunod na talakayan?
   d. Pag-alis ng sagabal
    Sasabihin nan g guro ang magiging paksa nila sa araw na ito. Bago simulant ang pagbabasa,aalisin muna ang mga sagabal na salita sa kwento sa pamamagitan ng maikling pagsusulit,
    Panuto: Punan ng mga nawawalang titik ang mga patlang.
        1. Naggigimalmal   -   N_n_i_i_a_i_
        2. Pangngingimi      -  N_a_l_n_a_
        3. Isinipat                 -  S_n_l_p
        4. Isinawak               - I_i_u_l_p
        5. Nag-uumigting     - N_g_i_i_a_
e. Pagtatalakay
    Hahatiin ng guro ang mga mag-aaral sa apat na pagkat. Ang bawat pangkat ay pipili ng isang lider nasiyang babasa ng mahinahon sa sipi ng maikling kwento.
II. INTERAKSYON
    Pagkatapos basahin ang kwento an guro  ay magtatanong sa mga mag-aaral sa pamamagitan  ng mga gabay na tanong.Ang bawat tanong ay mayroong tigdadalawang puntos. Ang bawat miyembro ng grupo ay pwedeng sumagot sa mga tanong
    Mga gabay at tanong.
·       Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
·       Paano mo mailalarawan si Impeng?
·       Anong katangian mayroon si ogor?
·       Anong kalseng ina mayroon si impeng?      
·       Iilan lahat ang kapatid ni impeng?
III. INTEGRASYON
      Mga gabay na tanong
·       Sa tingin mo mabuti ba ang manghusga ng isang tao?Ipaliwanag
·       Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Impeng, makakayanan mob a ang panghuhusga ng iba? Bakit?
·       Kung ikaw si Ogor huhusgahan mo din bas i Impeng?
IV. TAKDANG ARALIN
     Panuto: Magsaliksik ng isang tula at isulat ito sa isang buong papel,

     Magkakaroon ng isang pagsasadula tungkol sa eksenang nangyari sa kwento na nagbigay aral sa kanila at tumatak sa kanilang isipan.Bibigyan lamang sila ng 5 minutong pag-iisip at tatlong minutong pagtatanghal pagkatapos ay ipapaliwanag nila ang nawagawang eksena.

 
Krayteria:
Kaayusan ng dula -20
Kangkupan ng dula -15
Kooperasyonng bawat miyembro-10
Pagkamalikhain -5

Kabuuan: 50 Puntos